Thursday, August 9, 2018

TIKBALANG



TIKBALANG  -  kalahating kabayo at kalahating tao, lagi silang nakikita sa lugar na mapuno at magubat  at sa mga probinsiya,  hindi masyado agrisibo ang nilalang na ito, puwera nalang kung magagambala  sila, ayaw nila ng magulong kapaligiran , at maingay, tahimik silang namumuhay sa kagubatan kung saan sila  nagpaparami ng lahi, kapag napadaan ka sa isang lugar ng kagubatan na may tikbalang, makakaamoy ka ng masangsang na amoy, tulad ng amoy, ihi, o mapanghi, makakaranig ka din ng tinig ng  kabayo, at pagkakilabot sa buong katawan,  maari ka mag pasintabi upang malaman nila na gumalang ka sa mga nilalang na hindi mo na kikita ng sa ganun hindi ka nila pag tangkaan gambalain, kapag kasi nakainkwentro ka ng mga palatandaan na nasa paligid mo sila, ang ibig sabihin nito, kailangan mong magpaalam na ikaw ay makikiraan sa tiritoryo nila, may kakayahan silang iligaw ang mga tao sa loob ng kagubatan, at gaya ng nalaman natin sa mga nakakatanda, "baliktarin daw ang damit ng saganon hindi ka na maligaw at hindi ka na nila mapag laruan" at bukod don meron pang isang bagay akong natuklasan, kung naliligaw ka at binaliktad mo ang damit mo, pero wala pa din nangyari? ganito ang gawin mo! mag iwan ka ng isang gamit, damit man o panyo, sa isang lugar kung saan ka man mahinto at buhusan mo ito ng tubig, ito ay makakatulong para malinlang mo ang tikbalang na naglalaro sa iyong daanan, mas makakabuti din, ang mataintim na pag darasal at pag hingi ng proteksiyon sa panginoon, at gumalang sa mga nilalang na hindi mo nakikita, naniniwala ka man o hindi, matutong gumalang sa paniniwala ng iba.

KAPRE

KAPRE  -  Isang nilalang na naninirahan sa kahit anung klasing matatandang puno, maitim, malaking nilalang, at mabalahibo, at mahilig humitit ng tabako, dalawang klase ang kapre ang isa ay tinatawag na, " Garanga" sila yung mga  mahilig magka gusto sa mga babae, sila din ay mga seloso, ginagamit nila ang kakayahan nila para mapaibig nila ang gusto nilang tao, sila yung nilalang na pwedeng mag panggap na tao, nagagawa nilang mag ibang anyo, pero tanging biktima lang nila ang nakakakita sa kanila, sa oras na nahulog na nang tuluyan ang biktima nila at tuluyang nabalot ng kapangyarihan ang biktima, maaari na nila itong isama sa mundo nila, hindi naman mahirap makatakas sa kapang yarihang taglay nila ang kailangan mo lang ay ang taong may kakayahan at tunay na albularyo o pari, mas maganda din kung maaagapan ito bago mahuli ang lahat, ang mga senyales ay, palaging nag sasalita mag isa o palaging may kausap na hindi naman nakikita, palabas labas ng alangagnin oras at nasa ilalim ng kahit anung uri ng puno, tulala, at nag wawala, at palaging sinasabi ang pangalan na hindi naman pamilyar, upang makasigurado kung talagang nabiktima ang tao ng kapreng  "Garanga" ilapit lamang sa biktima ang tubig na may nilusaw na asin, at sa oras na ito ay kumalma at bumalik sa katinuan, kailangan mo nang tumawag ng tulong sa pari man o albularyo, ang tubig na may nilusaw na asin ay may kakayahan mag paalis pansamantala ng kahit anung klaseng negative energy, at nag papakalma din ito ng awra ng katawan para hindi magawa ng nilalang o ispirito na saniban ang katawan ng tao.


Ang isang uri naman ng kapre ay tinatawag na "ADUS" sila yung nilalang na mamerwisyo  sila yung mahilig mangulo sa isang buhay ng tao, pinag aaway niya ang isang  pamilya at sinisira niya ang kabuhayan nito, malas sa isang bahay o lugar ang merong "ADUS" mahilig din silang manggambala, mahilig manakot, at sumapi sa mga tao, ayaw nilang may lumalapit sa tiritoryo nila ayaw din nilang pinuputol ang mga malalapit na puno sa paligid nila, kung minsan kahit malayo ang Bahay mo sakanila, dumadayo pa sila para manggulo, sa isang pamilya, maiiwasan sila sa pamamagitan nang pag darasal at pag iinsenso sa loob at labas  Bahay, upang makaiwas sa pisikal na pag sapi sa katawan, pulang damit, rosaryo o tinatawag na balang kwintas and pangontra sa kanila, Hindi sila makakalapit at Hindi ka nila susundan at ito ang mga iilang impormasyon sa mga nilalang na ito.

DUWENDE

-DUWENDE-

Duwendeng Berde  -  ang nilalang na ito may kakayahan na palaguin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa pag asenso sa buhay, masuwerte ang taong magkakaroon ng kaibigan na gantong uri ng nilalang, makakatulong sila sa lahat ng uri ng kabuhayan, gaya ng tindahan, taniman, at maging sa trabaho, makakatulong din ito sa pag iipon ng pera at kaya din nilang palaguin ito sa mabilis na panahon, may ugali silang mapag laro, palabiro, tulad nang ginugulo nila ang naka ayos na mga gamit, mga bakas ng paa, at mga bungisngis at mga tawanan na hindi naman nakikita, sa kabila nang kanilang mga ugali na ito, napapakiusapan sila sa maayos na pananalita, at agad naman nila itong sinusunod, gusto nila ng matatamis na pagkain, tulad ng tsokolate at isang uri ng alak na lambanog at malinis na tubig mahilig din sila sa tinapay na may iba ibang kulay.

Duwendeng Pula  -  ang nilalang naman na ito ay makakatulong sa isang tao, hayop, o isang pamilya ang nilalang na ito ay tumutulong manggamot ng lahat ng uri ng sakit, malala man ito o hindi, kung magkakaroon ka ng gantong nilalang sa bahay, wala kang problema sa buhay, dahil nagbibigay sila ng pag uunawaan at pag mamahal sa puso ng isang pamilya, gawain nila ang ilayo ang mga nilalang sa mga negatibong gumala sa paligid, ayaw nilang napapahamak ang nagiging kaibigan nila, ugali nila ang tumulong sa mga gawaing bahay, minsan makakarinig ka nang nag huhugas ng pinggan, at nag kakalansingang mga kutsara at tinidor, karamihan nakakarinig nang nag wawalis sa dis-oras ng gabi, mahilig sila sa mga pag kain nang nilagang itlog, at mga matatabang pagkain hilaw na karne ng baboy.

Duwendeng Puti  -  ang nilalang na ito ay masiyadong matikoloso, gusto nila ang malinis na kapaligiran malalaman mo agad ang lugar kung saan may namamalagi puting duwende, makikita mo ang malinis na paligid kahit na sa gubat o bahay man ito, kung mag kakaroon ka man nang gantong nilalang na kaibigan, laging kang nannanalo sa sugal at sabong at sa pag asenso ng hayupan, ugali nila humingi ng kapalit na pagkain o alay, kapalit ng kahilingan mo na tinupad nila, mahilig sila sa mga pagkaing matatamis tulad ng candy, chocolate, at tubig na may halong asukal, sa mga uri nila sila yung mahilig makipag usap sa mga tao, at makinig sa mga nakakatawang kwento, pala tawa sila at masiyahing nilalang.

Duwendeng Itim  -  ang nilalang na ito ay masiyadong delikado, ayaw nilang may tumututong  o tumutungo sa tiritoryo nila, ayaw nila nang ginagambala sila,  palahiganti sila sa mga nilalang na nakakasagi at nasasakit sa kanila, masiyado silang mailap at masiyado din mainitin ang ulo, meron silang pa bago bago na ugali, mahirap pakiusapan, ang mga alay na maaari lamang nilang tanggapin ay ang dugo ng manok, hilaw na karne ng baboy o manok, itlog na hilaw at nganga, alak tulad ng lambanog at iba pang matatapang na inumin, iilan lang ang mga impormasiyon na nalalaman sa mga nilalang na ito, dahil mahirap silang kausap at delikadong lapitan, lumapit ka man sa kanila para kang nag  patiwakal, mas makakabuti lumayo at mag ingat sa pag kilos, pag naka kita nang gantong nilalang.