Thursday, August 9, 2018

KAPRE

KAPRE  -  Isang nilalang na naninirahan sa kahit anung klasing matatandang puno, maitim, malaking nilalang, at mabalahibo, at mahilig humitit ng tabako, dalawang klase ang kapre ang isa ay tinatawag na, " Garanga" sila yung mga  mahilig magka gusto sa mga babae, sila din ay mga seloso, ginagamit nila ang kakayahan nila para mapaibig nila ang gusto nilang tao, sila yung nilalang na pwedeng mag panggap na tao, nagagawa nilang mag ibang anyo, pero tanging biktima lang nila ang nakakakita sa kanila, sa oras na nahulog na nang tuluyan ang biktima nila at tuluyang nabalot ng kapangyarihan ang biktima, maaari na nila itong isama sa mundo nila, hindi naman mahirap makatakas sa kapang yarihang taglay nila ang kailangan mo lang ay ang taong may kakayahan at tunay na albularyo o pari, mas maganda din kung maaagapan ito bago mahuli ang lahat, ang mga senyales ay, palaging nag sasalita mag isa o palaging may kausap na hindi naman nakikita, palabas labas ng alangagnin oras at nasa ilalim ng kahit anung uri ng puno, tulala, at nag wawala, at palaging sinasabi ang pangalan na hindi naman pamilyar, upang makasigurado kung talagang nabiktima ang tao ng kapreng  "Garanga" ilapit lamang sa biktima ang tubig na may nilusaw na asin, at sa oras na ito ay kumalma at bumalik sa katinuan, kailangan mo nang tumawag ng tulong sa pari man o albularyo, ang tubig na may nilusaw na asin ay may kakayahan mag paalis pansamantala ng kahit anung klaseng negative energy, at nag papakalma din ito ng awra ng katawan para hindi magawa ng nilalang o ispirito na saniban ang katawan ng tao.


Ang isang uri naman ng kapre ay tinatawag na "ADUS" sila yung nilalang na mamerwisyo  sila yung mahilig mangulo sa isang buhay ng tao, pinag aaway niya ang isang  pamilya at sinisira niya ang kabuhayan nito, malas sa isang bahay o lugar ang merong "ADUS" mahilig din silang manggambala, mahilig manakot, at sumapi sa mga tao, ayaw nilang may lumalapit sa tiritoryo nila ayaw din nilang pinuputol ang mga malalapit na puno sa paligid nila, kung minsan kahit malayo ang Bahay mo sakanila, dumadayo pa sila para manggulo, sa isang pamilya, maiiwasan sila sa pamamagitan nang pag darasal at pag iinsenso sa loob at labas  Bahay, upang makaiwas sa pisikal na pag sapi sa katawan, pulang damit, rosaryo o tinatawag na balang kwintas and pangontra sa kanila, Hindi sila makakalapit at Hindi ka nila susundan at ito ang mga iilang impormasyon sa mga nilalang na ito.

8 comments:

  1. pwede bha magkagusto ang garanga sa gaya kung lalaki pero may pusong babae? please answer me poh. Dnman ako mukhang babae. Lalaki parin ako sa itsura at sa kilos. pero may malambot akung puso at maarmi nagkakagusto sken mga babae at lalaki din.

    ReplyDelete
  2. gabi gabi ko siyang napapanaginipan at nag aanyo xia ng ibat ibang klase ng tao. Sa panaginip ko nagmamamhal daw kami. Natatakot ako...Sana matulungan nio poh ako...

    ReplyDelete
  3. Magdasal ka at huwag kang mag a-absent sa pag rosary. Believe in God dapat super strong ng faith mo.

    ReplyDelete
  4. Panu ko po mapapaalis ang kapre na ngkakagusto dw skin..masama syang kapre..nanggugulo at sinisira nya mga gamit ko..

    ReplyDelete
  5. HELLO PO.ang bunso po namin ay napagkatuwaan ng kapre minsan nawawala sya sa sarili nya pero ilang minuto lng naman po..almost 1year na po syang ganyan minsan sa isang twice po sya nawawala sa sarili nya..pinaalbularyo po nmn under observation pa po sya kc binigyan sya ng albularyo ng pangontra sa kapre..meron pa po bang pweding gawin para lumayo yng kapre sa knya?

    ReplyDelete